Ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng mga pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. (1 Pedro 5:10)
Taon taon ang Open Doors ay naglalathala ng “World Watch List”, na nag-uulat ng 50 bansa kung saan ang pagsunod kay Hesus ay napakahirap gawin. “Sa buong mundo, mahigit sa 340 milyon na mga Kristiano ay nakatira sa mga lugar kung saan nararanasan ang matinding pag-uusig dahil lamang sa pagsunod kay Hesus. Ito ay isa sa bawat walong mananampalataya sa buong mundo,” ayon sa ulat ng samahan sa taong 2021*
Papaano magpupuri ang mga Kristiayano sa Panginoong Diyos habang nagtitiis sa mga paguusig o kaya’y pagkabilanggo? Ano ang pananampalataya para sa mga tagasunod ni Kristo sa ganitong sitwasyon? Ang ating Women of Hope programs ay nakakarating sa Gitnang Silangan, Asia, Africa at sa iba’t ibang lugar kung saan ang mga Kristiyano ay nakakaranas ng mga pag-uusig. Sa pakikinig ng mga tao sa programa at pakikipag-ugnayan sa ating grupo, nakakatanggap sila ng mga katotohanan patungkol sa Diyos, gayundin ng pag-asa at kalakasan sa bawat araw. Ang TWR Women of Hope sa Paraguay at Romania ay pumupunta sa mga bilangguan bawat linggo upang ibahagi ang kanilang buhay at ang katotohanan tungkol sa Diyos sa mga kababaihang bilanggo, at tinutulungan silang matagpuan ang kapayapaan at kalayaan kay Hesus.
Ang kahalagahan ng pagtulong mula sa ibang mananampalataya ay inilarawan bilang pambungad na kwento sa Christianity Today na inilabas ng Hulyo/Agosto 2021 at may pamagat na “The Girls Who Would Not Bow”. Sinasabi dito ang tungkol sa pagkakaligtas ng halos 300 na mga kabataang babae mula sa Mataas na Paaralan ng Pamahalaang Nigeria na dinukot ng relihiyosong militanteng Boko Haram noong 2014 at binihag sa loob ng 3 taon.
Karamihan sa kanila ay mga Kristiano at nalaman ng mga mamamahayag na ang determinasyon ng mga kabataang ito na mabuhay sa kabila ng mahirap na sitwasyon ay dahil sa konbiksyon nila sa kanilang pananampalataya.”
Bilang mga bilanggo, naranasan nila ang pisikal na malnutrisyon at gutom pati na ang emosyonal at spiritual na paghihirap dahil sa pinipilit silang makumberte at makisama sa grupo ng mga Boko Haram. Ngunit sila ay pinalakas ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Diyos at ng kanilang magandang relasyon sa isa’t-isa. “Sa panganib na dala ng pambubugbog at pagpapahirap, sila’y tahimik na nanalangin tuwing gabi, nagsalosalo sa isang basong tubig at isinaulo ang Aklat ng Job mula sa mga naipuslit na Biblia.”
Ang atin mang mga kapatirang kalalakihan at kababaihan ay naghihirap at nahaharap sa mga pang-aabuso, pagmamaltrato, pisikal man o seksual na pagpapasakit, pananakot, o kaya’y hindi patas na pagkakakulong, ang pinakamainam na paraan upang makatulong sa kanila ay ang taimtim na pananalangin:
- Hingin natin sa ating Ama na silay patibayin sa kanilang pananampalataya kay Kristo kahit sa anumang kalagayan. Nawa’y maalala nila na hindi sila magtatagumpay sa sarili lamang nilang kakayahan. Sa patuloy nilang pananalig sa Diyos Ama, Siya ang magbibigay sa kanila ng lakas upang magpatuloy. Idalangin natin na magkaroon sila ng kakayahan na magpuri at sumamba sa Panginoon, at mangingibabaw ang kanilang espiritu sa kabila ng nararanasan nilang mga pagsubok.
- Hilingin natin sa Diyos na magkaroon sila ng pagkakataon na magbahagi sa iba at pagkalooban sila ng katapangan upang maipahayag ang pag-asa, katotohanan, at kapayapaan ni Jesus. Ipanalangin ang mga nagaaral sa seminaryo at paaralan ng Biblia na nawa ay maging matapat silang mga pastor, ebanghelista at mga alagad.
- Idalangin din natin ang mga mananampalataya sa mga saradong bansa na makahanap sila ng pamamaraan upang makapagsalin, mag-imprenta at maibahagi ang Bibliya sa iba.
- Idalangin natin ang paglago at pagunlad ng mga Iglesyang nagtatagpo ng palihim sa ilalim ng lupa.
- Bilang mga mananampalataya, nakakakuha tayo ng lakas mula sa Diyos at sa isa’t isa. Nais mo bang makiisa sa akin sa panalangin upang itaas ang mga inuusig na mga simbahan?
*https://www.opendoorsusa.org/2021-world-watch-list-report
//Lisa Hall, International Prayer Coordinator