Pagtuklas ng Pag-asa Ngayon

“Maging ako ay ipanalangin, upang ako’y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng ebangelio, na dahil dito ako’y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako’y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.” Efeso 6:19-20

Ilang taon na ang nakararaan, naglakbay kami kasama ng ating grupo sa Romania patungo sa isa sa pinakamalaking bilangguan na pangkababaihan sa nasabing lunsod. Ang aming grupo ay maraming taon nang nakikipag-ugnayan sa mga kababaihang ito. Sa aming pagdating, kinailangan naming dumaan sa napakaraming pinto at mga check points na siyang kautusan sa alin mang bilangguan. Hiniling sa amin na iwanan ang aming mga cellphones at identification sa may pasukan dahil ipinagbabawal sa loob ang pagkuha ng litrato ng Gawain, maging ng litrato ng mga nakabilanggong kababaihan.

Hindi pangkaraniwan na sinamahan kami ng mga gwardya patungo sa bawat bahagi ng bilangguan hanggang sa makarating kami sa silid kung saan idadaos ang aming Gawain kasama ang mga bilanggo. Habang kami ay naghihintay at nananalangin para sa pagsisimula ng gawain, mahigit 100 kababaihan ang pumasok. Ito ay isang regular na pagtitipon na ginagawa bawat linggo, at gayon na lamang ang pagkasabik ng mga kababaihan na makasalamuha ang mga panauhin mula sa Amerika, Aliman, at Finland. Ang mga kababaihan na may edad mula 19 hanggang 70 ay umupo at samasamang nagbahagi ng kanilang buhay sa loob ng bilangguan. Ang pagtitipon naming iyon ay tumagal din ng ilang oras. Lahat ng dumalo ay nasa isang silid na walang palikuran at walang daan na mapagtatakasan. Ang mga guwardia ay laging naroon sa lahat ng mga pintuan.

Sa pagpapasimula ng Gawain, ibinahagi ng aming grupo ang aming personal na patotoo tungkol sa biyaya ng Diyos, kahabagan, at pag-asa. Naalala ko noon na katabi ko ang isang magandang batang babae na may gulang na 19 taon. Habang kami ay nagbababahagi, nakita ko ang babaengito na lumuluha habang nakikinig sa aming mga kwento. Malapit nang matapos ang kaniyang sintensya, at siya ay makakalaya na sa loob ng susunod na linggo. Nang madinig niya ang mga patotoo tungkol sa biyaya ng Diyos at kapatawaran, humiling siya sa akin ng panalangin. Hinihiling niya ang pag-iingat ng Diyos sa mundo na kaniyang papasukin sa darating na linggo. Nang kami ay nanalangin, isang pagpapala na makita siyang nakahanap ng pag-asa at pagkaunawa na ang Diyos ay malapit at totoo sa kaniyang buhay nang araw na iyon.

Bawat isa sa atin ay may kakaibang kwento tungkol sa biyaya ng Diyos at kahabagan. Nang ibinahagi ko ang aking kwento tungkol sa kalayaan, pag-asa at kagalingan, nag-alala ako na baka ang mga makikinig ay hindi makuha ang mensahe tungkol sa biyaya ng Diyos at katotohanan mula sa aking kwento, sa halip ay baka ang makuha nila ay ang mapanirang katotohanan tungkol sa kasalanan, seksuwal na pang-aabuso, kapalaluan, at maging ang aking takot sa kamatayan. Inaamin ko na may mga taong nagpayo sa akin na hindi ko na daw kailangan pang sabihin ang masasakit na bahagi ng aking kwento, dahil ang mga bahaging iyon ay hindi kaayaaya sa mga makikinig. Subalit, ang bahagi ito ng aking kwento, ang nagbigay ng malaking epekto sa maraming kababaihang na lumalakad sa kaparehong landas at nag-iisip na sila ay nag-iisa

Hindi natin alam kung kailan o kung paano gagamitin ng Diyos ang ating personal na kwento tungkol sa pag-asa at kagalingan kay Hesus. Ano ang iyong kwento? Paano ka pinalaya ng Diyos mula sa bilangguan ng kapalaluan, kasakiman, o takot? Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kwento, dahil mayroong isang bagay sa iyong kwento na makapagbibigay ng pag-asa para sa iba. Maaari nating papurihan ang Diyos sa buwang ito dahil sa Kaniyang walang hanggan, nag-uumapaw at hindi nagmamaliw na pag-ibig kahapon, ngayon, at magpakailanman. Purihin ang Diyos dahil pinagkalooban ka Niya ng isang kwento ng pag-asa at kagalingan kay Hesus.



//Si Dr. Peggy Banks ay ang Global director ng TWR Women of Hope ministry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s