Salita ng Pag-asa


Gustong gusto kong nanonood ng larong Olympics at makakita ng mga pandaigdigang manlalaro na nagkukumpitensya sa isa’t isa. Humahanga ako sa kanilang pokus, pagtitiis, at determinasyon na magsakripisyo upang manalo.

Ngunit mayroon pang isang kompetisyon na nangyayari ngayon sa ating mundohindi ito nangangailangan ng dunong at pisikal na kakayahan kundi ng mga paniniwala. Nang buong tapang na angkinin ni Jesus na Siya mismo ang katotohanan at Siya ang tanging daan papunta sa Diyos (Juan 14:6), inilagay Niya ang Kanyang sarili laban sa mga taong may ibang paniniwala, mga taong naniniwala na walang tiyak na batayan ang katotohanan o naniniwala sa ibang daan na maaring magdala sa kanila sa Diyos.

Habang tinitingnan natin si Jesus at ang Kanyang mga naunang tagasunod, makikita natin na sila ay dumanas ng pagdurusa. Ito ay dahil ipinakita nila ang kanilang paniniwala sa isang kultura na taliwas ang pag-iisip. Hinarap nila ang oposisyon, kawalan ng estado, pangaabusong pisikal, kinuha ang kanilang mga ari-arian, at tulad ni Cristo, ang iba ay humantong sa kamatayan. Ibinahagi ni Pablo kay Timoteo na “ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig” (2 Tim. 3:12). Ikaw ba ay nakaranas na ng pag-uusig bilang mananampalataya ni Jesus? Paano ka tumugon?

Alam natin na ang pag-uusig ay tiyak na darating sa mga mananampalataya, paano natin ito paghahandaan? Naalala ko ang mga atleta sa Olympic na dumaan sa mahabang taon ng pagsasanay, sumusunod sila sa mga payo ng kanilang tagasanay, nag-aaral kung ano ang ginawa ng mga mga dating kampeon at laging tumutuon sa layunin. Tandaan natin:

“Tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob.” (Heb. 12:1-3).

Kung ang mga mananakbo ay hindi nagsusuot ng mabibigat na damit sa kanilang pagtakbo, tayo man ay kailangan ding magtapon ng lahat ng mga bagay sa ating buhay na humahadlang upang maging tapat tayo sa pagsunod kay Jesus. Ano ang humahadlang sa iyo upang makasunod ng lubusan kay Jesus? Ano ang nagpapabigat sa iyo na kailangang pakawalan upang maranasan mo ang kalayaan na nais ng Diyos para sa iyo?

Higit sa lahat, kailangan nating ituon ang ating mga paningin kay Jesus at matiyagang tahakin ang landas na inilaan ng Diyos sa ating buhay:

  • Lumapit sa Diyos araw araw, makinig sa Kanyang sasabihin sa pamamagitan ng Kanyang Salita, tumugon at sumunod ng may bukas ng puso (Phil. 4:9).
  • Isuot ang espiritual na kasuutang pandigma upang tayo ay makatindig. (Eph. 6:10-19).
  • Pag-aralang mahalin ang ating mga kaaway at patawarin ang mga umuusig sa atin. (Matt. 5:44).
  • Pagpasyahan na sumunod kay Cristo kahit sa anumang kalagayan (Mark 8:34)
  • Tandaan na hindi ka nag-iisa. Ang Diyos ay lagi nating kasama. (Deut. 31:8), at ibinigay Niya sa atin ang katawan ni Cristo upang magpalakasan at magtulungan sa isa’t isa. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay nananalangin sa isa’t isa!
  • Unawain na naranasan ni Jesus ang kahirapan at bawat tukso na ating pinagdaanan (Heb. 4:15) gayunman ay hindi Siya nagkasala. Ang Kanyang tugon ay nagbibigay sa atin ng tapang at nagpapalakas sa ating pananampalataya. Ang galak sa Panginoon ang ating kalakasan. (Neh. 8:10).
  • Alam natin na ang kaharian ng Diyos ang Siyang mangingibabaw. Ang Diyos na ating pinaglilingkuran ay ang Panginoon na makapangyarihan sa lahat ng nilikha at sa lahat ng panahon, at Siya ay mapagtagumpay. (Col. 1:16-17)!

Kaya, maaari ba kitang anyayahan, kaibigan, na laging ituon ang iyong paningin kay Jesus at panatilihin ang iyong katapatan sa Kanya ng may kagalakan hanggang wakas? Karapatdapat Siya sa lahat ng ating paghihirap, dahil Siya ang ating gantimpala.




Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s